Saturday, May 30, 2009

Hayden Kho Senate Hearing Trumps Daytime Soap Operas

The Hayden Kho Senate hearing Thursday afternoon became the most exciting daytime program on television as it involves reality, drama, crime and suspense. Needless to say, the water-dousing incident builds up the climax.

Here is the statement of Katrina Halili during the Senate hearing:

Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba may pribado ring buhay din ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito. dangal ko at dangal ng pamilya ang pinag-uusapan dito. Minahal ko si Hayden. Bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isiping ako lang ang nagmamay-ari ng puso niya. Pero gaya ng lahat ng relasyong nagsimula sa kasinunagalingan, wala itong pinatunguhan.

Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong binigay ang puso at ang kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala. Inaamin ko ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali ko ay minahal ko siya. At naniwala ako na minahal n’ya rin ako ng lubusan.

Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako madali niya ako napaniwala. Ako ang biktima rito. Araw-araw biktima ako habang pinapanood ang nasabing video. Hiling ko po ang hustisya sa hukuman kahit alam kong habang buhay ko nang dadalhin ang ginawa sa akin.

Patay na ako pero may video pa rin at may Internet. Dalawa lang kasong sinampa ko sa pambababoy na ginawa sa akin sa pagkatao ko. Gusto ko siyang matanggalan ng lisensiya bilang doktor. Wala siyang karapatang maging doktor. Gusto ko rin siyang makulong at pagdusahan niya ang ginawa niya sa akin.

Pero ano po ang iginanti nila. Kasama ni Hayden ang kanyang ina. Sari-saring paninira ang binato nila sa akin at sa mga taong tumutulong sa akin. Inabuso na ako at binaboy, ako pa ang may sala. Inabuso na nga ako sa sex video, inaabuso pa ako muli sa publiko.

And issue dito ay pang-aabuso sa kababaihan. Ang pambababoy sa akin at sa iba pang biktima ni Hayden. Sa kultura po natin habambuhay na latay sa pagkatao ko ang ginawa sa akin. May ina din po ako na nasasaktan. Araw-araw na nagdurusa. May anak o kapatid din po kayo na babae. Ayaw din n’yo mangyari sa kanila ang sinapit ko.

Sana ipagpatuloy ng Senado at madaliin ang pagsusulong ng mga batas na may layuning itaguyod ang karapatan at proteksyon para sa aming kababaihan dahil iba na ang ginagamit na panggagahasa at pambababoy sa karapatan ng kababaihan. Sa Intenet, sa blogs, DVDs at iba pa.

Nabiktima ako. Isa ako sa maraming babaeng naloko at niloko ni Hayden Kho. Pero may hangganan ang katangahan. At sa araw na ito buong loob na humaharap sa inyo na puno ng respeto sa sarili. Ilalaban ko ang aking karapatan ng mabuhay ng marangal, ng walang takot at malayo sa karanasang inabot ko dahil sa sex video.

Sana po sa publiko itigil na po natin ang pagtangkilik sa mga sex videos at malalaswang panoorin. Kung walang tumatangkilik wala rin din pong gagawa ng mga sex video. Sana po ang pangalang Katrina Halili na lang ang huling nasa mga sex videos. Sana po wala ng susunod pa. Salamat po.



Hayden Kho, on the other hand, accused Katrina Halili of influencing him to use drugs. He admitted that he made some of the sex videos while under the influence of drugs.

“I myself don’t know why I made these videos. I have been undergoing psychotherapy to know why I do such things and why men and women do such things,” Kho said during the Senate committee hearing.

“I am not attributing drugs as my reason for taking the sex videos. These are things that I am very, very ashamed of. I am not proud of these videos,” he added.

Kho said only two people are qualified suspects for the sex video leak: his former friends Eric Johnston Chua and Herbert “Bistek” Rosario. He said the sex videos are in his hard drive but it went missing last December 2008 after he had a falling-out with his girlfriend, Dr. Vicki Belo.

No comments:

Post a Comment